Monday, July 12, 2021

Inventory of Cases Filed by VHHOA

 

Narito po ang talaan ng mga kaso o reklamo na sinampa ng asosasyon:

1)  Barangay Case 021-05-025 laban sa isang residente na sinakop ang bangketa sa pagtayo ng kanyang tindahan.  Hiniling ng VHHOA na iusog ang kanyang tindahan sa loob ng kanyang property line at ito ay pinanigan ng Barangay.  Kasalukuyang hinihintay ng asosasyon na aksyunan ng naturang residente ang desisyon ng Barangay.

2)  Criminal complaint (NPS Docket 01576) for Qualified Theft, Estafa at Falsification laban sa dating empleyado ng VHHOA.  Kasalukuyang hinihintay ng asosyon ang resolusyon ng fiscal matapos ang preliminary investigation.

3)  HLURB Case Number HOA-090219-3067 (money collection suit) ito ay kaso na sinampa ng asosasyon laban sa isang homeowner sa kabiguan na magbayad ng kanyang monthly dues na nagkakahalagang P70,297.50.  Pagkatapos ng ilang hearing sa harap ng Adjudication Board ng HLURB, nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng VHHOA at homeowner na bayaran ng homeowner ang kanyang utang sa asosasyon.  Kasalukuyang nang binabayaran ng homeowner ang kanyang utang sa asosasyon.

4) HLURB Case Number HOA-040519-2989 (money collection suit), kaso laban sa isang homeoner dahil sa kabiguan na magbayad ng monthly dues na nagkakahalagang P45,577.50.  Matapos padalhan ng summon ng HLURB ang homeowner na sagutin ang reklamo, hindi tumalima ang homeowner kaya nagtuloy-tuloy ang kaso at sa bandang huli, nanalo ang asosasyon sa kaso.  Sa decision na ibinaba ng HLURB, sinabi ng Adjudicator na liable ang homeowner na bayaran ang kabuuang halaga.  Kasalukuyang prinoproseso ng VHHOA ang enforcement ng desisyon sa pamamagitan ng Writ of Execution.

5) HLURB Case Number HOA-051019-3001 (money collection suit), kaso laban sa isang homeoner dahil sa kabiguan nito na magbayad ng monthly dues na nagkakahalagang P38,505.00.  Matapos ang pagdinig, nanalo ang asosayon sa kaso at kasalukuyang binabayaran ng homeowner ang kanyang utang na monthly dues.

6) HLURB Case Number HOA-062819-3029 (money collection suit), kaso laban sa isang homeoner sa kabiguan nito na magbayad ng monthly dues na nagkakahalagang P36,135.00.  Pagkatanggap ng summon galing sa Adjudicator ay binayaran kaagad ng homeowner ang kanyang utang kaya iniurong na rin ng VHHOA ang kaso.

Ang layunin ng pagsampa ng mga kaso ay upang maipaunawa ang obligasyon ng bawat homeowner sa asosasyong kanilang kinabibilangan. Layunin din nito ang mabigyan ng pantay na karapatan ang bawat homeowner na makinabang sa mga serbisyo ng asosasyon at sa mga gawain at proyekto nito.

No comments:

Post a Comment