Wednesday, February 3, 2021

Paunawa

Ito ay kasagutan at pagwawasto sa mga maling impormasyon na ikinakalat ng mga guwardya laban sa asosasyon.

1)  Totoo ba na tinatanggalan ng trabaho ang mga guwardya?

Hindi totoo. Noong nakaraang taon, inalalalayan ng VHHOA na sila ay ma-absorb ng kanilang agency at sila ay naibalik sa pagiging agency guards.  Mula sa ₱9,000 na buwanang sahod bilang civilian guard, naging ₱16,000 ang ibinayad ng asosasyon bawat guwardya sa agency sa kabuuang ₱32,000 bawat buwan.  Ito ay naging dahilan ng pagtataas ng kanilang take-home pay.  Ito ay patunay na inaalagaan ng asosasyon ang kanilang kapakanan.

Noong panahon na iyon, natapos na rin ang obligasyon ng HOA sa kanila bilang employer dahil agency na ang pumalit bilang kanilang employer.

Matapos ang 6 na buwan ay nagdesisyon ang agency na tapusin ang kanilang kontrata sa VHHOA. Ang mga guards ay hahanapan ng panibagong kliyente ng kanilang agency. Ang paglilipat-lipat ng kliyente ay hindi na bago sa mga security guards sa oras na matapos ang kanilang kontrata.

2) Totoo po ba ang ikinakalat nila na HOA ang nagpapasweldo sa kanila?

Ito ay kasinungalingan.  Ang nagbibigay ng sahod dalawang beses sa isang buwan ay kanilang agency.

3)  Totoo po ba na maayos ang kanilang mga serbisyo sa gate?

Totoo na mataas ang ratings na nakuha nila sa survey, ito po ay dahil maganda ang kanilang public relations sa iilang homeowners ngunit ito ay mag-iiba kung susuriing mabuti ang kuha sa CCTV. Maraming problema ang aming nakita noong sinuri ang kuha sa CCTV gaya ng hindi pagbaba sa boom na nagresulta sa paglabas-masok ng mga outsiders, pagpapa-counter flow na nagresulta sa pagkaantala ng mga lalabas na mga motorista, pagbaba ng boom sa oras na makita nilang may officer na dadaan upang ipakita na sila ay nagtatrabaho, pagbibigay ng personal na serbisyo sa ilang homeowners (favoritism), pagtambay sa office para magpalamig, pag-abandona sa guard house sa oras ng trabaho,  hindi pagsusuot ng proper guard uniform at pagsuway sa utos ng kanilang agency at ng asosasyon.

Ang mga opisyales ay may natanggap din na reklamo tulad ng maling pagbibigay ng direksyon sa mga courier at pagbebenta sa Facebook Live habang nasa duty.

Narito ang isang patunay sa pagsadsad ng kalidad ng serbisyo sa gate (counterflow).

4)  Totoo ba ang kanilang ikinakalat na walang lisensya ang kanilang agency?

Lisensyado ang kanilang agency.  Ito ay malaking kumpanya na nag-ooperate sa buong Pilipinas. Depende sa kanilang performance at sa magandang pakikitungo nila sa kanilang agency ay madali silang mahahanapan ng panibagong kliyente.  Ito ang kanilang lisensya:



5) Kahit na may ibang trabaho na naghihintay sa kanila sa ibang kliyente ng kanilang agency, bakit kaya pinipilit nilang magtrabaho pa rin sa asosasyon?

Ito ay kanilang personal na dahilan na hindi na saklaw ng VHHOA.

6)  Tama ba na sila ay mamalagi sa guard house kahit na tapos na ang kontrata ng kanilang kumpanya?

Ito ay ilegal dahil wala silang awtoridad na mamalagi sa guard house ng asosasyon.  Ang guard house ay hindi nila pagmamay-ari. Ilegal din ang kanilang panghaharang sa gates ng Phase 4.

7)  Ano ang naging epekto ng pamamalagi nila sa guard house na walang awtoridad?

Hindi makapagtrabaho ang bagong security agency na dapat ay nagtatarabaho sa Phase 4.

8)  Sino po ang magpapasweldo sa kanila sa pagtatarabaho sa gates nang walang awtoridad?

Hindi magbabayad ang asosasyon sa kanila.

9)  Maaari ba silang mag-apply sa bagong agency?

Maaaring mag-apply ang mga guwardya sa bagong agency ngunit sila ay hindi na puwedeng magtrabaho sa asosasyon bilang security guard.  Ito ay sa kadahilanang hindi na maganda ang kanilang working relationship sa mga opisyales at Board ng VHHOA.

10)  Ano ang dapat gawin ng mga guwardya?

Hinihiling ng asosasyon na magkaroon ng proper turn-over ng mga barrier, susi, log books at lahat ng property ng VHHOA na nasa kanilang pangangalaga.  Kung magagawa nila ito sa lalong madaling panahon ay walang magiging problema.

2 comments:

  1. Maraming problema nakita sa CCTV pero idang video lang naka upload, 2nd mali ng driver ng jeep bakit sya nag counter flow nakataas naman yung boom sa kabila... pinalagpas na lang ng guard siguro at may dadaan sa linya nya na kita naman po sa video nag counter yung jeep...

    Eto po ay base lang sa nakita ko sa video na naka upload... Sana maging totoo po tayo at patas

    ReplyDelete
    Replies
    1. Muntik nang magkabanggaan ang jeep sa kasalubong na van. Hindi puwedeng sa driver ng jeep lang ituro ang sisi dahil responsibilidad ng guwardya pangalagaan ang kaayusan sa gate, kaya tayo nagbabayad sa kanilang agency. Base sa inyong nakikita sa video, nabalahura na masyado ang serbisyo. Matagal na namin nakikita yan at sa kabila ng maraming beses na pagpapaalala sa kanila na huwag i-tolerate ang counter-flow sadyang hindi nakikinig.

      Delete