Ang Animal Protection and Control Office ng Barangay San Isidro ay muling nanghuli ng asong pagala-gala base sa hiling ng VHHOA. Sila ay nakahuli ng isang aso sa Phase 4 kahapon, January 21, 2021. Malaki ang ibinaba ng bilang ng mga asong nahuhuli mula noong ipinatupad ang kautusan. Ito ay palatandaan na ang mga homeowners sa Phase 4 Eastwood Greenview ay tumatalima sa Republic Act 9482 ("Anti-Rabies Act of 2007"). Ang VHHOA ay patuloy na makikipagtulungan sa Barangay San Isidro sa panghuhuhuli ng mga asong pagala-gala sa ating subdibisyon. Nawa'y ipagpatuloy ang disiplina at responsableng pag-aalaga sa mga aso nang sa gayon ay mapanatili ang kaligtasan sa ating lugar.
No comments:
Post a Comment