Wednesday, December 22, 2021

Food Pack Para Sa Bawat Tahanan sa EGP4

Ang Board of Directors ay nagpasa ng resolusyon na layong makapag-abot ng kaunting pamasko sa halip na magdaos ng HOA Christmas party. Ang VHHOA, Inc. ay magbibigay ng food pack para sa bawat tahanan sa Eastwood Greenview Phase 4. Hangad ng Board ang ligtas at nawa'y maging masagana ang ating pagdiriwang sa darating na Kapaskuhan at Bagong Taon.




 

Sunday, December 19, 2021

Saturday, December 11, 2021

Philippine National ID Registration Gaganapin sa EGP4 Multi-Purpose Building

Magkakaroon tayo ng registration para sa Philippine National ID na gaganapin sa Phase 4 multi-purpose building.  Ito ay bukas lamang para sa mga residente ng Eastwood Greenview Phase 4.  Ang registration ay pangangasiwaan ng PhilSys na syang service provider ng Philippine National ID.

Narito ang listahan ng primary document na kakailanganin sa pagpaparehistro sa Philippine National ID:

  1. Certificate of Live Birth issued by the Philippine Statistics Authority (PSA); AND
  2. One (1) government-issued ID such as 
    • Passport
    • GSIS/SSS/UMID card
    • Driver's License
Para sa mga walang maipakitang primary document, maaari rin ipakita ang mga sumusunod na Secondary documents:
  • Philhealth ID
  • Police Clearance
  • Postal ID
  • Integrated Bar of the Philippines (IBP) ID
  • License to Own and Possess Firearms (LTOPF) ID
  • National Bureau of Investigation (NBI) Clearance
  • Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ID
  • Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ID
  • Persons with Disabilities (PWD) ID
  • Professional Regulatory Commission (PRC) ID
  • Seaman's Book
  • Senior Citizen ID
  • Social Security System (SSS) ID
  • Solo Parent ID
  • Taxpayer Identification Number (TIN) ID
  • Voter's ID
  • School ID
Inaaanyayahan namin ang lahat ng mga residente sa Eastwood Greenview Phase 4 na kumuha ng Philippine National ID at magpa pre-register sa sumusunod na link upang mabilang ang lahat ng gustong magparehistro.

Ang petsa ng actual registration ay i-aanunsiyo sa mga nakapagpa-preregister sa pamamagitan ng text message.


Magparehistro dito (Click here)



 

Wednesday, September 8, 2021

Online at Offline Registration para sa Libreng Bakuna

Tuloy pa rin ang online registration para sa libreng bakuna ng Municipal Health Office.

Narito ang mga links para sa online registration:

  1. Medical Frontliners / Senior Citizens (A1/A2 Priority Group)
  2. Persons with Comorbidity (A3 Priority Group)
  3. Frontline Workers (A4 Priority Group)

Pinakamainam ang online registration dahil mabilis na makakarating ang impormasyon sa mga namamahala ng bakuna pero para sa mga walang pagkakataon magparehistro online, maaari silang magparehistro sa pamamagitan ng pagfill-up ng form (offline registration) sa ating HOA office.

Ang HOA Office ay nakatanggap ng 100 forms na ating gagamitin para sa mga walang access sa online registration.  Mainam na marami sa atin ang makinabang sa libreng bakuna (sa pamamagitan ng online at offline registration) upang maaga nating makamit ang herd immunity sa ating kumunidad.

Magpa-register online na po o tumungo sa ating HOA office para sa offline registration.

Photo Credits: Reuters

Saturday, July 17, 2021

Contact Sports Pinagbabawal Pa rin ng IATF sa GCQ Areas

Marami po ang nagtatanong kung pinapayagan na ba ang paglalaro ng basketball sa ating covered court.  Ang IATF o Inter-agency Task Force ay ang sangay ng pamahalaan na nagsasabi kung ano-anong aktibidad ang pinagbabawal.

Narito po ang talaan ng mga pinagbabawal na mga aktibidad.  Ang Rodriguez, Rizal ay sakop ng GCQ covered areas.  Makikita sa page 2 na isa sa patuloy na pinagbabawal ay ang contact sports, gaya ng basketball.

IATF Guidelines on Prohibited Activities Page 1

IATF Guidelines on Prohibited Activities Page 2

IATF Guidelines on Prohibited Activities Page 3

Monday, July 12, 2021

Inventory of Cases Filed by VHHOA

 

Narito po ang talaan ng mga kaso o reklamo na sinampa ng asosasyon:

1)  Barangay Case 021-05-025 laban sa isang residente na sinakop ang bangketa sa pagtayo ng kanyang tindahan.  Hiniling ng VHHOA na iusog ang kanyang tindahan sa loob ng kanyang property line at ito ay pinanigan ng Barangay.  Kasalukuyang hinihintay ng asosasyon na aksyunan ng naturang residente ang desisyon ng Barangay.

2)  Criminal complaint (NPS Docket 01576) for Qualified Theft, Estafa at Falsification laban sa dating empleyado ng VHHOA.  Kasalukuyang hinihintay ng asosyon ang resolusyon ng fiscal matapos ang preliminary investigation.

3)  HLURB Case Number HOA-090219-3067 (money collection suit) ito ay kaso na sinampa ng asosasyon laban sa isang homeowner sa kabiguan na magbayad ng kanyang monthly dues na nagkakahalagang P70,297.50.  Pagkatapos ng ilang hearing sa harap ng Adjudication Board ng HLURB, nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng VHHOA at homeowner na bayaran ng homeowner ang kanyang utang sa asosasyon.  Kasalukuyang nang binabayaran ng homeowner ang kanyang utang sa asosasyon.

4) HLURB Case Number HOA-040519-2989 (money collection suit), kaso laban sa isang homeoner dahil sa kabiguan na magbayad ng monthly dues na nagkakahalagang P45,577.50.  Matapos padalhan ng summon ng HLURB ang homeowner na sagutin ang reklamo, hindi tumalima ang homeowner kaya nagtuloy-tuloy ang kaso at sa bandang huli, nanalo ang asosasyon sa kaso.  Sa decision na ibinaba ng HLURB, sinabi ng Adjudicator na liable ang homeowner na bayaran ang kabuuang halaga.  Kasalukuyang prinoproseso ng VHHOA ang enforcement ng desisyon sa pamamagitan ng Writ of Execution.

5) HLURB Case Number HOA-051019-3001 (money collection suit), kaso laban sa isang homeoner dahil sa kabiguan nito na magbayad ng monthly dues na nagkakahalagang P38,505.00.  Matapos ang pagdinig, nanalo ang asosayon sa kaso at kasalukuyang binabayaran ng homeowner ang kanyang utang na monthly dues.

6) HLURB Case Number HOA-062819-3029 (money collection suit), kaso laban sa isang homeoner sa kabiguan nito na magbayad ng monthly dues na nagkakahalagang P36,135.00.  Pagkatanggap ng summon galing sa Adjudicator ay binayaran kaagad ng homeowner ang kanyang utang kaya iniurong na rin ng VHHOA ang kaso.

Ang layunin ng pagsampa ng mga kaso ay upang maipaunawa ang obligasyon ng bawat homeowner sa asosasyong kanilang kinabibilangan. Layunin din nito ang mabigyan ng pantay na karapatan ang bawat homeowner na makinabang sa mga serbisyo ng asosasyon at sa mga gawain at proyekto nito.

Monday, June 7, 2021

Pangalan ng mga Kalsada sa Eastwood Greenview Phase 4

Base sa resulta ng survey na ginanap noong October 10-20, 2020 na kung saan naghayag ng pagsang-ayon ang higit na nakararaming homeowner sa panukalang pangalanan ang mga kalsada sa Eastwood Greenview Phase 4, nagpasa ng resolusyon ang board na opisyal nang pangalanan ang ating mga kalsada.


Makikita sa bagong mapa ng Eastwood Greenview Phase 4 ang pangalan ng bawat kalsada sa Eastwood Greenview Phase 4. 


Nakapaskil ang vicinity map sa entrance gate ng subdivision.




Kasalukuyang ginagawa ang paglalagay ng pangalan ng kalsada sa ating mga street posts.


Nirerekomenda ng Board ang ganitong format ng pagsusulat ng ating address:

Juan Dela Cruz
Block 9 Lot 99 Narra Street
Eastwood Greenview Phase 4A/4B
San Isidro, Rodriguez, Rizal

Wednesday, May 26, 2021

Pagkabit ng Remote Control Switch sa Gate

Nag-kabit ng remote control switch ang asosasyon para sa ating tatlong barriers sa gate.  Sa pagkakaroon ng remote control switch, maaari nang buksan at sarhan ang tatlong barriers sa pamamagitan ng pagpindot ng remote control switch.  Dahil hindi na natatali ang mga guwardya sa loob ng guard house, inaasahan natin na masala nilang mabuti ang mga outsider sa ating subdibisyon.

Sa loob ng dalawang linggo, magpapatupad ang asosasyon ng "No Sticker, No Entry Policy" sa gate.  Sa mga hindi pa nakapagpakabit ng sticker, mabibili ang stickers sa halagang P50 lamang.


Thursday, May 20, 2021

Application for Vaccination For Phase 4 Homeowners/Residents With Co-morbidity

Ang VHHOA officers ay mag-ikot house-to-house ngayong araw ng Huwebes, May 20, 2021 upang mamigay ng vaccination application form para sa mga 18-59 taong gulang na may karamdaman katulad ng sumusunod:

  • Chronic respiratory disease
  • Hypertension
  • Cardiovascular disease
  • Chronic kidney disease
  • Malignancy
  • Diabetes mellitus
  • Obesity

Sa ilalim ng guidelines ng IATF, ang mga homeowners o residente na may naturang karamdaman ay kwalipikadong priority na mabakunahan.

Ang lahat ng gustong magpabakuna na Seniors at may co-morbidity ay kailangan magpa-register muna bago mabakunahan.  Sa kasalukuyan mayroon na tayong 51 Seniors na gustong magpabakuna.

  1. Ables, Gerardo D.
  2. Ables, Maria Victoria
  3. Andola, Alberto
  4. Arandela, Gregorio
  5. Armas, Nenita P.
  6. Asiatico, Corazon B.
  7. Asiatico, Edgardo D.
  8. Bacus, Manolo B.
  9. Balidio, Marcelina T.
  10. Bayker, Raul L.
  11. Bayker, Virginia B.
  12. Buba, Norma
  13. Bulanon, Avedelia A.
  14. Bulanon, Iglicerio Jr. L.
  15. Camacho, Flora A.
  16. Caoilan, Flordeliza D.
  17. Caoilan, Rogelio
  18. Catuday, Susana R.
  19. Dagalea, Concepcion O.
  20. De Quiroz, Leonardo T.
  21. Dela Cerna, Ofelia V.
  22. Dimaano, Marcelino Danilo K.
  23. Dorimon, Juliana C.
  24. Dyson, Alan
  25. Eslamado, Ariston B.
  26. Eslamado, Sally F.
  27. Espedido, Yolanda F.
  28. Garcia, Roque Jr. S.
  29. Garcia, Zenaida
  30. Gutierrez, Arturo M.
  31. Jimenez, Cornelio M.
  32. Labrador, Ernesto D.
  33. Labrador, Susana
  34. Libanan, Lina M.
  35. Lucido, Celsa R.
  36. Miravalles, Gilbert E.
  37. Miravalles, Isabela D.
  38. Monares, Marlyn M.
  39. Monares, William C.
  40. Morante, Lerma U.
  41. Ong, Leonila A.
  42. Porca, Felisa A.
  43. Ramiso, Manuel
  44. Samonte, Arlie D.
  45. Santos, Herminia C.
  46. Santos, Oscar Alberto
  47. Tibayan, Lerma A.
  48. Torres, Benigno S.
  49. Torres, Yolanda S.
  50. Tubig, Betty G.
  51. Vilo, Renato S.

Layon natin na mabakunahan ang seniors at co-morbidity patients sa Phase 4 Covered Court sa lalong madaling panahon.  Hinihiling lamang namin na ipasa kaagad ang application form sa ating opisina upang mabilis din natin maiparating ang kumpletong listahan sa Municipal Health Office.


Friday, April 9, 2021

Pagresulba sa Isyu sa mga Guwardya

Inaprubahan ng Board ang pag-release ng sahod ng dating guwardya na sina Bella Baltazar at Manuel Ariola, mula February 1, 2021 hanggang April 7, 2021 kapalit ng pagturn-over at pag bakante sa guard house upang magamit ng bagong security agency na papalit sa kanila.  Ito ay naging win-win solution para sa lahat na nauwi sa matagumpay na pagresulba sa issue.






Tuesday, April 6, 2021

Bagong Security Agency sa Phase 4 Eastwood Greenview

Ang gusto ng nakararaming miyembro ay lisensyadong security guards at ito ay batid ng HOA.  Ang ating mga dating guwardya na sina Bella Baltazar at si Manuel Ariola ay pumirma ng Waiver na nagpapatunay na sila ay sumang-ayon na mailipat bilang agency guards at hindi na sila empleyado ng asosasyon.  Nakalakip dito ang mga dokumento na kanilang nilagdaan.

Sa mga dokumentong ito, ang VHHOA ay walang pananagutan sa kanila. 

Noong February 1, 2021 ay hinarangan nina Bella Baltazar at Manuel Ariola ang Gavril Security Agency na magtrabaho para sa asosayon at nagdulot ng kaguluhan na nauwi sa pagkaka-antala sa serbisyo ng Gavril Security Agency.

Ang Gavril Security Agency ay mag-uumpisa nang magtrabaho para sa asosasyon.  Hindi na maaaring harangan pa ng mga guwardya o ninuman ang pagtatrabaho ng bagong security agency na napili ng Board.  Prerogative ng Board ang pumili ng security agency na magiging katuwang nito at hindi maaaring ipagkait ang karapatang ito.  Mapipilitan ang asosasyon na kasuhan ang sinumang homeowner o guwardya na maging sanhi ng kaguluhan o kalituhan sa gate.

Salamat sa inyong pang-unawa.





Wednesday, February 17, 2021

Resolution Requesting Mayor Dennis Hernandez to Padlock GuardHouse

A RESOLUTION REQUESTING MAYOR HERNANDEZ TO PADLOCK GUARDHOUSE

WHEREAS, the existing contract with Sidekick Force Investigation and Security Services Inc (hereinafter referred to as “Sidekick” brevity) has been terminated pursuant to the Notice of Termination issued by Sidekick effective February 1, 2021;

WHEREAS, the security guards of Sidekick, SG. Bella Baltazar and SG. Manuel Ariola (hereinafter both referred to as “SG” for brevity), were informed on the termination and were expected to leave VHHOA immediately on February 1, 2021 and turn over the guardhouse to VHHOA Officers and Board;

WHEREAS, on February 1, 2021, SG refused to leave the guardhouse and called some homeowners to convene at the gate causing disruption to our peace and order;

WHEREAS, with the refusal of SG to leave the guardhouse, VHHOA is prevented from working with another security agency to provide security to homeowners of Phase 4 Eastwood Greenview;

WHEREAS, VHHOA Board fears that SG might cause damage to the electronic barrier at the gate and cause further disruption to our peace and order;

WHEREAS, the guardhouse sits on a road lot owned by the Municipality of Rodriguez;

WHEREAS, the municipal mayor has every right to padlock it in the event of disruption of peace and order;

WHEREAS, the by-laws of the association stipulates that the Board of Directors shall act in all instances on behalf of the Association, now therefore be it:

RESOLVED, that the Board shall request, as it hereby requests, Hon. Dennis Hernandez to padlock the guardhouse of Phase 4 Eastwood Greenview in order to restore peace and order;

PASSED AND ADOPTED by the Board of Directors of Victoria Hills Homeowners Association, Inc. this February 1, 2021 in Rodriguez, Rizal.


(SIGNED) Sarah Frances J. Macario (Secretary)
(SIGNED) Neil A. Masayon (Grievance & Adjudication Officer)
(SIGNED) Catherine C. Custodio (PRO)
Sheila L. Sahisa (Auditor)
(SIGNED) Marites R. Mendegorin (Treasurer)
(SIGNED) Julie G. Villaruel (Vice President)
Marissa N. Golez
(SIGNED) Roel L. Toledo (President)
(SIGNED) Raul L. Bayker (Chairman of the Board)

Wednesday, February 3, 2021

Paunawa

Ito ay kasagutan at pagwawasto sa mga maling impormasyon na ikinakalat ng mga guwardya laban sa asosasyon.

1)  Totoo ba na tinatanggalan ng trabaho ang mga guwardya?

Hindi totoo. Noong nakaraang taon, inalalalayan ng VHHOA na sila ay ma-absorb ng kanilang agency at sila ay naibalik sa pagiging agency guards.  Mula sa ₱9,000 na buwanang sahod bilang civilian guard, naging ₱16,000 ang ibinayad ng asosasyon bawat guwardya sa agency sa kabuuang ₱32,000 bawat buwan.  Ito ay naging dahilan ng pagtataas ng kanilang take-home pay.  Ito ay patunay na inaalagaan ng asosasyon ang kanilang kapakanan.

Noong panahon na iyon, natapos na rin ang obligasyon ng HOA sa kanila bilang employer dahil agency na ang pumalit bilang kanilang employer.

Matapos ang 6 na buwan ay nagdesisyon ang agency na tapusin ang kanilang kontrata sa VHHOA. Ang mga guards ay hahanapan ng panibagong kliyente ng kanilang agency. Ang paglilipat-lipat ng kliyente ay hindi na bago sa mga security guards sa oras na matapos ang kanilang kontrata.

2) Totoo po ba ang ikinakalat nila na HOA ang nagpapasweldo sa kanila?

Ito ay kasinungalingan.  Ang nagbibigay ng sahod dalawang beses sa isang buwan ay kanilang agency.

3)  Totoo po ba na maayos ang kanilang mga serbisyo sa gate?

Totoo na mataas ang ratings na nakuha nila sa survey, ito po ay dahil maganda ang kanilang public relations sa iilang homeowners ngunit ito ay mag-iiba kung susuriing mabuti ang kuha sa CCTV. Maraming problema ang aming nakita noong sinuri ang kuha sa CCTV gaya ng hindi pagbaba sa boom na nagresulta sa paglabas-masok ng mga outsiders, pagpapa-counter flow na nagresulta sa pagkaantala ng mga lalabas na mga motorista, pagbaba ng boom sa oras na makita nilang may officer na dadaan upang ipakita na sila ay nagtatrabaho, pagbibigay ng personal na serbisyo sa ilang homeowners (favoritism), pagtambay sa office para magpalamig, pag-abandona sa guard house sa oras ng trabaho,  hindi pagsusuot ng proper guard uniform at pagsuway sa utos ng kanilang agency at ng asosasyon.

Ang mga opisyales ay may natanggap din na reklamo tulad ng maling pagbibigay ng direksyon sa mga courier at pagbebenta sa Facebook Live habang nasa duty.

Narito ang isang patunay sa pagsadsad ng kalidad ng serbisyo sa gate (counterflow).

4)  Totoo ba ang kanilang ikinakalat na walang lisensya ang kanilang agency?

Lisensyado ang kanilang agency.  Ito ay malaking kumpanya na nag-ooperate sa buong Pilipinas. Depende sa kanilang performance at sa magandang pakikitungo nila sa kanilang agency ay madali silang mahahanapan ng panibagong kliyente.  Ito ang kanilang lisensya:



5) Kahit na may ibang trabaho na naghihintay sa kanila sa ibang kliyente ng kanilang agency, bakit kaya pinipilit nilang magtrabaho pa rin sa asosasyon?

Ito ay kanilang personal na dahilan na hindi na saklaw ng VHHOA.

6)  Tama ba na sila ay mamalagi sa guard house kahit na tapos na ang kontrata ng kanilang kumpanya?

Ito ay ilegal dahil wala silang awtoridad na mamalagi sa guard house ng asosasyon.  Ang guard house ay hindi nila pagmamay-ari. Ilegal din ang kanilang panghaharang sa gates ng Phase 4.

7)  Ano ang naging epekto ng pamamalagi nila sa guard house na walang awtoridad?

Hindi makapagtrabaho ang bagong security agency na dapat ay nagtatarabaho sa Phase 4.

8)  Sino po ang magpapasweldo sa kanila sa pagtatarabaho sa gates nang walang awtoridad?

Hindi magbabayad ang asosasyon sa kanila.

9)  Maaari ba silang mag-apply sa bagong agency?

Maaaring mag-apply ang mga guwardya sa bagong agency ngunit sila ay hindi na puwedeng magtrabaho sa asosasyon bilang security guard.  Ito ay sa kadahilanang hindi na maganda ang kanilang working relationship sa mga opisyales at Board ng VHHOA.

10)  Ano ang dapat gawin ng mga guwardya?

Hinihiling ng asosasyon na magkaroon ng proper turn-over ng mga barrier, susi, log books at lahat ng property ng VHHOA na nasa kanilang pangangalaga.  Kung magagawa nila ito sa lalong madaling panahon ay walang magiging problema.

Sunday, January 31, 2021

Bagong Security Agency Simula February 1, 2021

 Ang kontrata ng ating kasalukuyang security agency ay magtatapos ngayong araw ng Enero 31, 2021.  Ang VHHOA Board ay pipirma ng panibagong kontrata sa Gavril Security Agency na ating magiging katuwang sa pagpapatupad ng seguridad sa ating subdibisyon.  Ang Gavril Security Agency ay mag-uumpisa sa kanilang panunungkulan simula bukas, February 1, 2021.  Magiging katuwang natin ang kanilang dalawang security guards na sina SG. Romeo A. Jamisola at SG. Raymund B. Consuelo.

Mangyaring palawakin ang ating suporta kina Romeo at Raymund upang sila ay magtagumpay sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa ating subdibisyon.

Friday, January 22, 2021

Panghuhuli ng Asong Gala sa Phase 4

Ang Animal Protection and Control Office ng Barangay San Isidro ay muling nanghuli ng asong pagala-gala base sa hiling ng VHHOA.  Sila ay nakahuli ng isang aso sa Phase 4 kahapon, January 21, 2021. Malaki ang ibinaba ng bilang ng mga asong nahuhuli mula noong ipinatupad ang kautusan.  Ito ay palatandaan na ang mga homeowners sa Phase 4 Eastwood Greenview ay tumatalima sa Republic Act 9482 ("Anti-Rabies Act of 2007"). Ang VHHOA ay patuloy na makikipagtulungan sa Barangay San Isidro sa panghuhuhuli ng mga asong pagala-gala sa ating subdibisyon.  Nawa'y ipagpatuloy ang disiplina at responsableng pag-aalaga sa mga aso nang sa gayon ay mapanatili ang kaligtasan sa ating lugar. 



Thursday, January 14, 2021

Dinulog na natin kay Punong Bayan Dennis Hernandez ang problema patungkol sa street lamps sa Phase 4.  Asahan natin na anumang araw o oras mula ngayon ay kukumpunihin na ng Meralco ang anumang sira sa mga poste at papalitan ang mga pundidong ilaw sa ating mga kalsada.  Kung kayo ay may mapansin na umaakyat sa mga poste ng Meralco sa kalagitnaan ng gabi o madaling araw ay huwag mabahala dahil ang kanilang pagsasaayos ay walang pinipiling oras.