Wednesday, October 21, 2020

Wastong Paggamit ng Videoke

Sa ilallim ng kautusan ng munisipyo, maaaring gamitin ang videoke sa mga sumusunod na oras lamang:

  • Monday to Friday: 5 p.m. to 10 p.m.
  • Saturday and Sunday:  Hanggang 10 p.m. 


Monday, October 19, 2020

Pagkakabit ng Barb Wires sa Bakod

Nagpapasalamat ang asosasyon sa natanggap na tulong mula sa magkapitbahay na si Jorjean Lepalam at Jonathan Labodlay, parehong residente ng Phase 4B, sa pagkabit ng barb wires sa isang bahagi ng perimeter fence ng Phase 4B Block 8.  Ang sementong bakod na ito ay mababa lang ang pagkagawa kaya posibleng ginagamit ng mga illegal na tumatawid sa ating subdibisyon.  Sa pagkakabit ng barb wires sa bakod na ito, napapabuti o nadadagdagan ang ating panangga sa mga outsiders o trespassers ng ating subdibisyon.  Maraming salamat, Jorjean at Jonathan!






Pagsasaayos ng Sirang Bakod ng Covered Court

Nagpapasalamat ang asosasyon sa natanggap na donasyon na steel matting at galvanized wires mula kay Mr. Miller San Jose ng Phase 4B. Ang mga materyales na ito ay ginamit sa pagsasaayos ng sirang bahagi ng bakod ng covered court. Sa pagsasaayos ng bakod na ito, napipigilan ang mga outsiders o trespassers ng ating subdibisyon. Maraming salamat Mr. San Jose!





Thursday, October 15, 2020

Problema sa Aso

Kami ay may ilang mungkahi bilang dagliang solusyon sa mga asong pagala-gala sa Phase 4.

Para sa mga nag-aalaga ng aso, alam naman nating maaaring makaabala ang ating mga alaga sa ibang tao kung ito ay hahayaang pagala-gala. Huwag nating hayaang makawala ang mga alagang aso upang hindi makaperwisyo sa ating mga kapitbahay.

Kung kayo ay nabiktima o naperwisyo naman ng asong pagala-gala, huwag mag-atubiling ipagbigay-alam sa may-ari nito nang sa gayon ay mabigyang-pansin kaagad ang inyong hinaing. Kung ang may-ari ng aso ay hindi tumalima sa inyong pakiusap sa kabila ng paulit-ulit na paalala, mangyari lamang na ipagbigay-alam ito sa HOA Office upang kami na mismo ang makikiusap tungkol sa kanilang mga alaga.

Pagtulungan nating lutasin ang problemang ito.