Friday, November 6, 2020

Stray Dog Impounding Operation

 Nagsagawa ng dog impounding operation ang Barangay San Isidro sa Phase 4 Eastwood Greenview ngayong araw ng Biyernes, November 6, 2020. Ito ay bilang tugon ng barangay sa ating kahilingan na hulihin ang mga pagala-galang aso sa ating lugar na kung saan matagumpay na nahuli ng Barangay ang limang (5) pagala-galang aso.

Sa mga may-ari ng mga nahuling aso, maaari nilang tubusin ang kanilang aso sa loob ng 15 araw at pagkatapos bayaran ang multa na P1,000.00 sa Barangay San Isidro. Makipag-ugnayan lamang sila sa Dog Impounding Unit ng Barangay San Isidro sa prosesong ito.
Nagpapasalamat ang asosasyon kay Kap. Mayet Hernandez at sa Chief Operation Leader na si Dr. Manuel Mariano sa matagumpay na panghuhuli ng pagala-galang aso sa ating lugar.








Wednesday, October 21, 2020

Wastong Paggamit ng Videoke

Sa ilallim ng kautusan ng munisipyo, maaaring gamitin ang videoke sa mga sumusunod na oras lamang:

  • Monday to Friday: 5 p.m. to 10 p.m.
  • Saturday and Sunday:  Hanggang 10 p.m. 


Monday, October 19, 2020

Pagkakabit ng Barb Wires sa Bakod

Nagpapasalamat ang asosasyon sa natanggap na tulong mula sa magkapitbahay na si Jorjean Lepalam at Jonathan Labodlay, parehong residente ng Phase 4B, sa pagkabit ng barb wires sa isang bahagi ng perimeter fence ng Phase 4B Block 8.  Ang sementong bakod na ito ay mababa lang ang pagkagawa kaya posibleng ginagamit ng mga illegal na tumatawid sa ating subdibisyon.  Sa pagkakabit ng barb wires sa bakod na ito, napapabuti o nadadagdagan ang ating panangga sa mga outsiders o trespassers ng ating subdibisyon.  Maraming salamat, Jorjean at Jonathan!






Pagsasaayos ng Sirang Bakod ng Covered Court

Nagpapasalamat ang asosasyon sa natanggap na donasyon na steel matting at galvanized wires mula kay Mr. Miller San Jose ng Phase 4B. Ang mga materyales na ito ay ginamit sa pagsasaayos ng sirang bahagi ng bakod ng covered court. Sa pagsasaayos ng bakod na ito, napipigilan ang mga outsiders o trespassers ng ating subdibisyon. Maraming salamat Mr. San Jose!





Thursday, October 15, 2020

Problema sa Aso

Kami ay may ilang mungkahi bilang dagliang solusyon sa mga asong pagala-gala sa Phase 4.

Para sa mga nag-aalaga ng aso, alam naman nating maaaring makaabala ang ating mga alaga sa ibang tao kung ito ay hahayaang pagala-gala. Huwag nating hayaang makawala ang mga alagang aso upang hindi makaperwisyo sa ating mga kapitbahay.

Kung kayo ay nabiktima o naperwisyo naman ng asong pagala-gala, huwag mag-atubiling ipagbigay-alam sa may-ari nito nang sa gayon ay mabigyang-pansin kaagad ang inyong hinaing. Kung ang may-ari ng aso ay hindi tumalima sa inyong pakiusap sa kabila ng paulit-ulit na paalala, mangyari lamang na ipagbigay-alam ito sa HOA Office upang kami na mismo ang makikiusap tungkol sa kanilang mga alaga.

Pagtulungan nating lutasin ang problemang ito.

Thursday, April 2, 2020

Rolling Store for Phase 4 EG

Magkakaroon po ng rolling store ang Chooks-to-Go sa Phase 4 Eastwood Greenview Covered Court ngayong Biyernes, April 3, 2020 12 p.m. to 4:00 p.m. kung saan mabibili ang mga sumusunod:

Dressed Chicken P130 per kilo
Oven-Roasted Chicken P249 per kilo
at iba pang produkto ng Chooks to Go

Ang social distancing ay mahigpit na ipapatupad sa ating pamimili. Tara na sa covered court ngayong Biyernes!


No Home Quarantine Pass, No Exit

Alinsunod sa hiling ng munisipyo at ng barangay na tumulong ang asosasyon sa pagpapatupad ng Home Quarantine Pass, pumirma ang Board ng isang resolusyon na magpapatupad sa mga sumusunod:

1) Tanging ang mga may hawak lang ng Home Quarantine Pass ang maaaring lumabas sa gate ng subdibisyon.

2) Ang drayber ng motorsiklo at tricycle ay hindi maaaring magsakay ng pasahero alinsunod sa ipinapatupad ng barangay sa mga checkpoints. Puwedeng magkaroon ng isang pasahero ang mga drayber ng kotse sa likod na upuan.

3) Ang mga frontliners gaya ng doktor, nurse, pulis at empleyado ng mga kumpanyang nagbibigay ng basic services katulad ng grocery, gasoline station, bangko at money remittance ay maaaring lumabas nang hindi na nangangailan ng HQP, ipakita lamang ang company ID.

Sa pagpasok naman, kasalukuyang ipinapatupad ang "No Visitors Allowed" sa ating subdibisyon.

Makiisa po tayo para malabanan ang pagkalat ng nakamamatay na sakit na COVID-19. Salamat po!


Friday, February 28, 2020

Zumba Fitness

As per fitness programs of Mayor Dennis Hernandez and Kapitana Karen Mae Hernandez, a Zumba dance fitness was held at the Phase 4 Eastwood Greenview Covered Court on Thursday, February 27, 2020.
This Zumba will be held regularly every Thursday at 4:30 p.m. and is open for everyone. Please inquire at the HOA office for futher details.