Monday, January 17, 2022

Dalawang Money Collection Suits Naipanalo ng Asosasyon

Panalo ang asosasyon sa dalawang magkahiwalay na money collection suits na isinampa ng asosasyon laban sa dalawang homeowners.  Ang HSAC Case No. HOA-090219-3070 ay isinampa ng asosasyon laban sa homeowner na bigong bayaran ang kanyang monthly dues na nagkakahalagang ₱37,877.50.  Ang pangalawang kaso HSAC Case No. HOA-062819-3068 ay isinampa ng asosasyon laban sa isa pang homeowner dahil sa kabiguan nitong bayaran ang kanyang monthly dues na nagkakahalagang ₱46,575.00.







 

Tuesday, January 11, 2022

National ID Registration Gaganapin sa Multipurpose Building ngayong January 13, 2022.

Ang registration para sa National ID ay tuloy na at gaganapin sa Phase 4 Multipurpose Building ngayong Huwebes, January 13, 2022, ika-10 ng umaga hanggang ika-2 ng hapon. Magdala ng mga original copy ng primary document gaya ng ID at birth certificate para sa mga batang magpaparehistro. 

Pinapayuhang manatiling naka-quarantine at huwag nang lumabas ng bahay ang mga taong may sintomas ng Covid-19.



Wednesday, December 22, 2021

Food Pack Para Sa Bawat Tahanan sa EGP4

Ang Board of Directors ay nagpasa ng resolusyon na layong makapag-abot ng kaunting pamasko sa halip na magdaos ng HOA Christmas party. Ang VHHOA, Inc. ay magbibigay ng food pack para sa bawat tahanan sa Eastwood Greenview Phase 4. Hangad ng Board ang ligtas at nawa'y maging masagana ang ating pagdiriwang sa darating na Kapaskuhan at Bagong Taon.




 

Sunday, December 19, 2021

Saturday, December 11, 2021

Philippine National ID Registration Gaganapin sa EGP4 Multi-Purpose Building

Magkakaroon tayo ng registration para sa Philippine National ID na gaganapin sa Phase 4 multi-purpose building.  Ito ay bukas lamang para sa mga residente ng Eastwood Greenview Phase 4.  Ang registration ay pangangasiwaan ng PhilSys na syang service provider ng Philippine National ID.

Narito ang listahan ng primary document na kakailanganin sa pagpaparehistro sa Philippine National ID:

  1. Certificate of Live Birth issued by the Philippine Statistics Authority (PSA); AND
  2. One (1) government-issued ID such as 
    • Passport
    • GSIS/SSS/UMID card
    • Driver's License
Para sa mga walang maipakitang primary document, maaari rin ipakita ang mga sumusunod na Secondary documents:
  • Philhealth ID
  • Police Clearance
  • Postal ID
  • Integrated Bar of the Philippines (IBP) ID
  • License to Own and Possess Firearms (LTOPF) ID
  • National Bureau of Investigation (NBI) Clearance
  • Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ID
  • Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ID
  • Persons with Disabilities (PWD) ID
  • Professional Regulatory Commission (PRC) ID
  • Seaman's Book
  • Senior Citizen ID
  • Social Security System (SSS) ID
  • Solo Parent ID
  • Taxpayer Identification Number (TIN) ID
  • Voter's ID
  • School ID
Inaaanyayahan namin ang lahat ng mga residente sa Eastwood Greenview Phase 4 na kumuha ng Philippine National ID at magpa pre-register sa sumusunod na link upang mabilang ang lahat ng gustong magparehistro.

Ang petsa ng actual registration ay i-aanunsiyo sa mga nakapagpa-preregister sa pamamagitan ng text message.


Magparehistro dito (Click here)



 

Wednesday, September 8, 2021

Online at Offline Registration para sa Libreng Bakuna

Tuloy pa rin ang online registration para sa libreng bakuna ng Municipal Health Office.

Narito ang mga links para sa online registration:

  1. Medical Frontliners / Senior Citizens (A1/A2 Priority Group)
  2. Persons with Comorbidity (A3 Priority Group)
  3. Frontline Workers (A4 Priority Group)

Pinakamainam ang online registration dahil mabilis na makakarating ang impormasyon sa mga namamahala ng bakuna pero para sa mga walang pagkakataon magparehistro online, maaari silang magparehistro sa pamamagitan ng pagfill-up ng form (offline registration) sa ating HOA office.

Ang HOA Office ay nakatanggap ng 100 forms na ating gagamitin para sa mga walang access sa online registration.  Mainam na marami sa atin ang makinabang sa libreng bakuna (sa pamamagitan ng online at offline registration) upang maaga nating makamit ang herd immunity sa ating kumunidad.

Magpa-register online na po o tumungo sa ating HOA office para sa offline registration.

Photo Credits: Reuters

Saturday, July 17, 2021

Contact Sports Pinagbabawal Pa rin ng IATF sa GCQ Areas

Marami po ang nagtatanong kung pinapayagan na ba ang paglalaro ng basketball sa ating covered court.  Ang IATF o Inter-agency Task Force ay ang sangay ng pamahalaan na nagsasabi kung ano-anong aktibidad ang pinagbabawal.

Narito po ang talaan ng mga pinagbabawal na mga aktibidad.  Ang Rodriguez, Rizal ay sakop ng GCQ covered areas.  Makikita sa page 2 na isa sa patuloy na pinagbabawal ay ang contact sports, gaya ng basketball.

IATF Guidelines on Prohibited Activities Page 1

IATF Guidelines on Prohibited Activities Page 2

IATF Guidelines on Prohibited Activities Page 3

Monday, July 12, 2021

Inventory of Cases Filed by VHHOA

 

Narito po ang talaan ng mga kaso o reklamo na sinampa ng asosasyon:

1)  Barangay Case 021-05-025 laban sa isang residente na sinakop ang bangketa sa pagtayo ng kanyang tindahan.  Hiniling ng VHHOA na iusog ang kanyang tindahan sa loob ng kanyang property line at ito ay pinanigan ng Barangay.  Kasalukuyang hinihintay ng asosasyon na aksyunan ng naturang residente ang desisyon ng Barangay.

2)  Criminal complaint (NPS Docket 01576) for Qualified Theft, Estafa at Falsification laban sa dating empleyado ng VHHOA.  Kasalukuyang hinihintay ng asosyon ang resolusyon ng fiscal matapos ang preliminary investigation.

3)  HLURB Case Number HOA-090219-3067 (money collection suit) ito ay kaso na sinampa ng asosasyon laban sa isang homeowner sa kabiguan na magbayad ng kanyang monthly dues na nagkakahalagang P70,297.50.  Pagkatapos ng ilang hearing sa harap ng Adjudication Board ng HLURB, nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng VHHOA at homeowner na bayaran ng homeowner ang kanyang utang sa asosasyon.  Kasalukuyang nang binabayaran ng homeowner ang kanyang utang sa asosasyon.

4) HLURB Case Number HOA-040519-2989 (money collection suit), kaso laban sa isang homeoner dahil sa kabiguan na magbayad ng monthly dues na nagkakahalagang P45,577.50.  Matapos padalhan ng summon ng HLURB ang homeowner na sagutin ang reklamo, hindi tumalima ang homeowner kaya nagtuloy-tuloy ang kaso at sa bandang huli, nanalo ang asosasyon sa kaso.  Sa decision na ibinaba ng HLURB, sinabi ng Adjudicator na liable ang homeowner na bayaran ang kabuuang halaga.  Kasalukuyang prinoproseso ng VHHOA ang enforcement ng desisyon sa pamamagitan ng Writ of Execution.

5) HLURB Case Number HOA-051019-3001 (money collection suit), kaso laban sa isang homeoner dahil sa kabiguan nito na magbayad ng monthly dues na nagkakahalagang P38,505.00.  Matapos ang pagdinig, nanalo ang asosayon sa kaso at kasalukuyang binabayaran ng homeowner ang kanyang utang na monthly dues.

6) HLURB Case Number HOA-062819-3029 (money collection suit), kaso laban sa isang homeoner sa kabiguan nito na magbayad ng monthly dues na nagkakahalagang P36,135.00.  Pagkatanggap ng summon galing sa Adjudicator ay binayaran kaagad ng homeowner ang kanyang utang kaya iniurong na rin ng VHHOA ang kaso.

Ang layunin ng pagsampa ng mga kaso ay upang maipaunawa ang obligasyon ng bawat homeowner sa asosasyong kanilang kinabibilangan. Layunin din nito ang mabigyan ng pantay na karapatan ang bawat homeowner na makinabang sa mga serbisyo ng asosasyon at sa mga gawain at proyekto nito.

Monday, June 7, 2021

Pangalan ng mga Kalsada sa Eastwood Greenview Phase 4

Base sa resulta ng survey na ginanap noong October 10-20, 2020 na kung saan naghayag ng pagsang-ayon ang higit na nakararaming homeowner sa panukalang pangalanan ang mga kalsada sa Eastwood Greenview Phase 4, nagpasa ng resolusyon ang board na opisyal nang pangalanan ang ating mga kalsada.


Makikita sa bagong mapa ng Eastwood Greenview Phase 4 ang pangalan ng bawat kalsada sa Eastwood Greenview Phase 4. 


Nakapaskil ang vicinity map sa entrance gate ng subdivision.




Kasalukuyang ginagawa ang paglalagay ng pangalan ng kalsada sa ating mga street posts.


Nirerekomenda ng Board ang ganitong format ng pagsusulat ng ating address:

Juan Dela Cruz
Block 9 Lot 99 Narra Street
Eastwood Greenview Phase 4A/4B
San Isidro, Rodriguez, Rizal